Ang Pusa ni Papc | PIN(K)OY

Labels

10.6.08

Ang Pusa ni Papc

Pusa ni Albert ang image sa title blog ko. Bakit kamo? May kakatwang bisyo kasi ito.

Hindi talaga ako cat person. Pero, dahil kailangan namin ng weapon sa mga naglilipanang daga dito sa compound, inampon ni Albert ang pusang ito.

Nung una, gagala-gala lang itong pusang ito sa compound para makahanap ng makakain. Unti-unti, tumatambay na siya sa lanai namin, particularly dun pa sa kabayo ng plantsahan namin (buti na lang kamo may cover yung kabayo).


Natuwa naman itong si Albert dahil sa lahat ng pusang gala na bumibisita sa compound, itong partikular na pusang ito ang may mataas na score sa hulihan ng daga. Kaya bilang prize, madalas nang pinapakain ni Bert ang pusang ito.

Isang araw, nakita na lang ni Bert na nakatambay ang pusa sa pader ng lanai namin. Aba't ang sarap ng upo! Gaya ng nasa image sa title blog ko, para kamong tao kung umupo itong pusang ito. Akala ni Bert once in a lifetime lang niya makikita ang pusang ito na ganon ang upo kaya kinuhanan nya ng litrato. Sa tuwa ko nang nakita ko yung photo, siya na ang ginawa kong model dito sa blog ko.

Pero di namin alintana na ganito talaga sya umupo. Hindi nakadapa, hindi nakatuwad o kung anuman, kundi upong tao talaga siya. Hmm, naisip ko, pwede!

Hindi naman sa may tinatago ako, kaya lang naisip kong magsulat din ng mga anthromorphic stories to substitute people, events or experiences na hindi ko talaga ma-reveal pero kating-kati na akong isulat. Para bang blind item sa showbiz...

Eniwei, salamat sa pusa ni papc, malamang magagawa ko na ito.

No comments: