Hindi ko akalaing darating ako dito sa puntong sasabihin ko sa sarili ko "ang tanda ko na!."
Nung daisy pa ako, ang karenta sa akin ay lolo o lola na.
Sa totoo lang, late bloomer ako kaya nung papalabas na ako ng daisy, awkward pa rin ako. May braces ako nun for orthodontic reasons at hindi dahil sa fashionable ito. Nung high school ako, basketball player ako kaya may pagka-boyish ako nun. Di ko alam kung ganun pa rin sa mga all-girl exclusive schools, pero uso non ang ON, kung saan parang magsyota ang dalawang young members of the female species. Josko parang kinikilabutan na ata ako ngayon pag naiisip ko yun haha!
Eniwei, nung panahon ding yun uso ang new wave at punk. Syempre mid-80s nun. Grumadweyt ako na suot ang isang graduation dress habang ang buhok ko nun ay tayu-tayo.
Nang pumasok ako ng kolehiyo sa UST, ganon pa rin ang porma ko, although dahil sa medyo na-conscious na ako dahil may mga classmates na akong lalaki, I slowly rejoined the "normal girl's hair community." Sabi ko, kung kailan naman ako nagbanda e nagpahaba na ako ng buhok. Syempre, conscious. Pero, sa totoo lang, although aware na ako sa opposite sex nun, hindi ako nagka-boypren. Bakit kamo? Para ko na rin kasing boyprend and mga kabanda ko, minus the malisya syempre dahil nung panahon na yun e wala pa talaga akong malisya.
Nung mga panahong yun, sabi ko sa sarili ko hindi ko ata kayang magpakatanda. Gusto ko bata na lang ako forever just like Peter Pan. Paano ba naman, college na ako e nakikipaglaro pa rin ako sa mga kababata namin sa kalye- patintero, tumbang-preso, taguan. Minsan naman table tennis o tennis. Siguro isip-bata kaming lahat talaga noon. Of course, since malalaki na kami, ang laro namin ay competition level kaya kahit lalaki ang kalaro namin, di na namin napapansin yung mga panananching nila. Wala talaga silang pakundangan kahit babae kami basta hindi sila magpapatalo.
Parang dumaan lang na parang mabilis na MRT ang 20s at 30s sa akin. Maraming nangyari, maraming kalokohan at death-defying experiences, lalo na't nasa media kasi ako. Dahil sa engrossed na ako sa adult world, nawala na rin ang pagiging inosente ko. Just like Robin Williams' Peter Pan, I forgot that I wanted to be young forever. Wala na ako sa Never Never land. Life went on.
Naisip ko na naman uli yung wish ko nung latang-lata pa ako (at walang pang masilya) na sana bata ako forever. Sabi ko nun hindi ako tatanda dahil mamamatay naman ako pag karen na ako. Buti na lang hindi!
Being karenta has its perks. May narating ka na sa career mo and you have the power of the purse. Lalo na't babae ka, mas empowered and confident ka kung ikaw ay karenta, hindi lang sa career at pamilya kundi pati na rin sa seksualidad mo. Gone are the days na awkward ka at takot sa opposite sex. Pag karen ka na, you can wield your power over the opposite sex.
Tama siguro yung sinasabing "life begins at 40." Ewan ko, pero I'm glad hindi ako si Peter Pan.
2 comments:
Post a Comment